Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.



 
HomeSearchLatest imagesRegisterLog in
C’Genirex Counter
Latest topics
» EVERYTHING
The Best of Tagalog Quotes EmptyWed Jul 24, 2013 1:52 pm by DarkPunisher

» Activation Remover for Windows (RemoveWAT)
The Best of Tagalog Quotes EmptyWed Jul 24, 2013 1:42 pm by DarkPunisher

» IObit Advanced Mobile Care 3.2 (Android)
The Best of Tagalog Quotes EmptyWed Jul 10, 2013 9:33 am by geraenski

» Youtube Downloader for Windows
The Best of Tagalog Quotes EmptyTue Jul 02, 2013 2:07 pm by BlackSkull

» Candy Crush Saga v1.12.0 for Android!
The Best of Tagalog Quotes EmptyTue Jul 02, 2013 12:20 pm by BlackSkull

» Temple Run 2 v.1.0.apk
The Best of Tagalog Quotes EmptyTue Jul 02, 2013 12:06 pm by BlackSkull

» 2GB DDR3 RAM SELLING
The Best of Tagalog Quotes EmptyTue Jul 02, 2013 8:19 am by DarkPunisher

» Hello World
The Best of Tagalog Quotes EmptyWed Jun 26, 2013 9:17 am by Christopher

» INDESTRUCTIBLE 2.0.0 for Android
The Best of Tagalog Quotes EmptySun Jun 23, 2013 8:31 am by Christopher


 

 The Best of Tagalog Quotes

Go down 
2 posters
AuthorMessage
Christopher
C'Genirex Administrator
C'Genirex Administrator
Christopher


Posts : 20
Points : 54
Join date : 08/03/2013
Age : 29

The Best of Tagalog Quotes Empty
PostSubject: The Best of Tagalog Quotes   The Best of Tagalog Quotes EmptyMon Mar 11, 2013 6:50 am

♥️ "Wag kang umiksena sa isang palabas, lalo na kapag hindi ka naman kasama sa mga script"

♥️ "Kung talagang mahal ka niya, kahit anong mali sayo hindi niya kailanman magiging SOLUSYON ang IWAN ka"

♥️ "Mas masarap mahalin ung taong nag eeffort para mahalin mo siya...
Kesa yung taong hindi na nag eeffort dahil kampante ngang mahal mo siya!"

♥️ "Masakit saktan ang minamahal mo lalo na kung di mo sinasadya,
gustuhin mo mang ituwid ang lahat ng pagkakamali mo, tsaka mo lang malalaman na huli na pala"

♥️ "Hindi ibibigay ng Diyos ang taong gusto mo, kasi ang ibibigay nya ay ung taong kailangan mo."

♥️ "Nagtataka ka kung bakit hanggang ngayon eh single ka? Eh bakit kasi hindi mo subukang tumingin sa paligid mo at wag kang tumunganga dyan sa taong hindi ka naman gusto."

♥️ "Kung wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam pag kasama mo siya, umasa kang wala ding mas sasakit pa kapag dumating sa punto na iiwan ka na niya."

♥️ "Hindi ibig sabihing mas gusto nya maging friends kayo eh hindi ka nya mahal. Minsan yun talaga ung paraan para ung pagsasama nyo ay magtagal."

♥️ "Bago ka magdesisyon na makipagbreak sa karelasyon mo, ito ang pinakaunang tanong na dapat mong sagutin, "Handa ka ba na makasalubong siya isang araw at makitang may ka-holding hands na iba?". Kung hindi mo kayang makita ang ganung eksena, huwag mong hihiwalayan."

♥️ "Sa isang relasyon, hindi basehan na papahubad ka ng panty para patunayan na mahal mo siya. Hayaan mong irespeto ka niya sa kung hanggang saan ang kaya mong ibigay."

♥️ "Kapag mahal mo talaga ang isang tao. Matuto kang pakawalan sya kung yun yung mas makakabuti sa kanya.. at dun sya mas sasaya."

♥️ "Wag mong sumbatan ang taong nang iwan sayo dahil di naman niya utang na loob ang pagmamahal mo. Isipin mo nalang na gumawa siya ng paraan para makita mo ang tamang tao para sayo."

♥️ "Bakit nga ba nagagawa nating magkumpara? simple lng... para matutunan natin ibukod ang MAHALAGA sa taong walang KWENTA!"

♥️ "Minsan kailangan nating madapa, kasi may mas tamang paraan ng pagtayo. Kailangan umiyak, kasi hindi lahat kayang itago sa tawa. Kailangan nating masaktan, kasi meron pa tayong dapat matutunan."

♥️ "Hindi nakakatakot ang hinaharap, mas nakakatakot manatili sa nakaraan na kung saan ka patuloy na nasasaktan."

♥️ "Ang salitang TAMPO ay isang paraan ng pagsasabi ng 'SUYUIN MO AKO'. Isip bata ang dating pero the same way ng pagiging SWEET."

♥️ "Ayoko sanang magparamdam kasi gusto ko mamiss mo naman ako at maramdaman ko na mahalaga rin ako sayo yun nga lang hindi ako kasing TIBAY mo! na MASAYA kahit wala ako. "

♥️ "Isa sa pinakamalungkot na sitwasyon sa buhay ay yung gusto mo siyang ipaglaban pero tanging pagsuko na lang ang tanging pagpipilian."

♥️ "Ang tunay na lalaki nagseselos dahil ayaw ka niyang mawala. Hindi yung magseselos siya, aawayin ka tapos iiwan ka."

♥️ "Kung mahal ka talaga ng taong mahal mo, matututo syang umiwas sa lahat ng mga bagay na magiging dahilan ng paghihinala mo."

♥️ "Ayokong makita mo akong nahihirpan. Baka kse mas masaktan ako pag nakita kong wala kang pakialam."

♥️ "Hindi lahat ng taong sa palagay mo’y espesyal ay dapat mong makarelasyon Minsan, tama na ‘yong alam niyong mahalaga kayo sa isa’t-isa."

♥️ "minsan kung sino pa ung nagsasakripisyo, un pa ung niloloko."

♥️ "Hangga't nakikita mo daw ang taong minsan mo ng minahal. Babalik at babalik pa rin ang dati mong nararamdaman kahit na sabihin mo pang wala ka ng pakialam."

♥️ "Ang sarap sa pakiramdam kapag sinabi sayo ng CRUSH mo na crush ka rin nya diba- pero ang masakit dun ee kapag natutunan mo na syang mahalin tapos sasabihin nya lang na:

"CRUSH lang kita nuh-di ko sinabi na MAHAL kita"

♥️ "Huwag kang mahuhulog sa taong hndi marunong SUMALO. Masasaktan ka lang kapag malaman mong may karga pa siyang iba BUKOD SAYO!"

♥️ "Mahal na mahal mo sya samantalang sya, walang ibang ginawa kundi paiyakin ka."

♥️ "Ang sakit sa pakiramdam yung tipong Gustong gusto mo tiisin yung isang tao.. Pero di mo magawa, kasi.. MAHAL MO.."

♥️ ‎"Kahit katabi mo siya, kung iba naman ang nasa isip niya. Malayo pa rin ang distansya sa pagitan ninyong dalawa."

♥️ "Ang pag-ibig na sobrang tamis, NAKAKAUMAY. Kaya mas masaya din yung minsan NAGAAWAY. Pero pagkatapos ng away hindi pa rin NAGHIHIWALAY."

♥️ "Mahirap magtago ng sikreto lalo na kung ang sikretong tinatago mo ay yung mismong bagay na gusto mo ipagsigawan sa mundo."

♥️ "Noon minahal ka niya. Akala mo forever pero iniwan ka rin niya. Pinipilit mong ibalik ang noon pero hindi mo kaya. Sino ngayun ang manhid? Siya dahil hindi niya maramdamang mahal mo siya? O ikaw kasi hindi mo matanggap na ayaw na niya?"

♥️ "Hindi naman lahat ng nag-e-effort mahal ka. Yung iba kasi, kailangan lang gumawa ng effort para maging katotohanan ..
ANG PANLOLOKO NILA !"

♥️ "Minsan mas kailangan mong mahalin yung taong mahal ka din para sumaya ka.
Kesa sa taong mahal mo nga, ni hindi naman talaga marunong magpahalaga."

♥️ "Ang babae ay pinag-hihirapan. Hindi sila nakukuha ng isang order lang ng Mcdo fries."

♥️ "Kahulugan ng umaasa? yun yung. Araw araw patuloy kang naghihintay sa kanya, araw- araw lagi mo siya iniisip kahit may iba na siya. Hindi ganon kasakit pakinggan pero Nakakamatay pag naramdaman."

♥️ "MADALAS KAHIT SINGLE KA, BROKEN HEARTED KA PA DIN!"

♥️ "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.."

♥️ "Kahit gaano ko kalakas isigaw sa buong mundo kung gaano pa rin kita kamahal, hindi mo ito maririnig dahil iba na mundo mo."

♥️ "Kapag alam mong niloloko ka na. Wag kang magiging DAKILANG xxxxx. Hindi porket mahal mo siya. Eeh magtitiis ka na lang sa panloloko niya!"

♥️ "Kung minsan ay naiisip mo at nararamdamang hindi ka mahal ng taong mahal mo, tama ka. Dahil hindi ka niya pababayaang magkaroon ng ideya at pagkakataon na mag-isip ng ganung bagay kung talagang mahal ka niya."

♥️ "Hindi tayo binigyan ng puso para ibigay lang sa iba at hayaang saktan nila ito. Hindi rin tayo binigyan ng utak para lang magpa-xxxxx."

♥️ "Mahirap magmahal ng taong di sayo. Masasaktan ka kahit hindi dapat. Iiyak ka kahit hindi kayo. Pero ang pinakamasakit ay yung alam mo na di siya magiging sayo, PERO SOBRANG MINAHAL MO."

♥️ "Hindi xxxxx ang taong sobrang magmahal, Mas xxxxx ang taong minahal ng sobra pero nakuha pa mag mahal ng iba."

♥️ "Hindi ibig sabihin na marami kang ex magnda/gwapo kana tandaan mo habang dumadami silang ex mo. Mas bumababa tingin nila sayo! katulad ng isang 2nd hand na gamit habang madami ang nagmamay-ari, lalong bumababa ang VALUE!"

♥️ "Walang kwentang humingi ng tawad kapag sinabi mong HiNDI MO SiNASADYA dahil kung di mo SiNADYA hindi mo sana GiNAWA!"

♥️ "Hindi mo kailangan maghanap ng rason kung bakit mo mahal ang isang tao, dahil ang pagmamahal nararamdaman, HINDI INIISIP!"


♥️ "Kadalasan sinasabi natin sa mahal natin 'masaya ako kung saan masaya ka' pero pag nag-iisa ka na masaya ka ba talaga? minsan mahirap tanggapin na kung saan siya masaya duon ka luluha.."

♥️ "Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sayo kahit pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin yung araw na sakit nalang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.."


Happy Happy na Happy Happy
Back to top Go down
https://cgenirex.forumtl.com
Sharex
C'Genirex Administrator
C'Genirex Administrator
Sharex


Posts : 12
Points : 14
Join date : 10/03/2013
Age : 44
Location : gateway of camiguin

The Best of Tagalog Quotes Empty
PostSubject: Re: The Best of Tagalog Quotes   The Best of Tagalog Quotes EmptyFri Mar 22, 2013 4:19 am

[You must be registered and logged in to see this image.]tubtan podta anig totoy tol...hehehe ayos ah!
Back to top Go down
http://www.cgenirex.com
 
The Best of Tagalog Quotes
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: • ¦ Love Lounge ¦ • :: Love Quotes-
Jump to: